Nais kong Makapagsulat


Paano ba magsimula? Gusto ko sana yung maramdamin na simula, yung parang sa mga nababasa kong magagandang blog/book. Hahaha. Tulad nga ng title ng blog na ito, ang gusto ko lang naman ay makapagsulat/blog. Here are my reasons

1. Wala namang babasa ng mga isusulat ko kung hindi ako, kaya gusto kong isulat yung nilalaman ng puso't isip ko. Minsan kasi nakakalimutan ko. Gusto kong rin magiging totoo sa aking sarili, at ito yung isa sa mga paraan ko. Naguguluhan din kasi ako sa aking sarili, minsan hindi ko maintindihan kaya kung isusulat ko ito at pagbubulay-bulayan ko, marahil mas makikila ko ang aking sarili. Parang diary lang

2. Hindi ako magaling sa English (insecurity ko yun) at lalo na nasa sa retorika. Ito yung  mga bagay na nakakapigil sa akin noon na makapagsulat kahit matagal ko nang gustong gawin ito. Pero ngayun hahayaan ko na ang aking puso ang magsulat at hindi lang isip. Gusto kong makita ang improvement ko sa bawat blog na aking masusulat. 

3. Kahit na sinabi kong na wala namang ibang babasa nang mga sulat ko kung di akong ako, there's a part of me na gusto ko rin itong ibahagi sa iba para maintindihan nila ako at para makapag-inspire kung nakaka-inspire man yung maiisusulat ko. 

4. Pagdating na matagal na panahon, gusto kong balikan yung mga nasulat ko, para maalala ko yung mga nararamdaman, pinagdadaan, mga bagay na natutunan ko sa mga oras na naisulat ko ito. Alam kong maganda ang plano ng Diyos sa akin, idodocument ko kung paano ito nangyare. ^_ ^

Sana maging consisted ako sa pagsusulat. ^_^ 
Yun lng Salamat


Mga Komento